Grand Baby Fair 2015

by - 2:42:00 PM


January 31, 2015

 After ng second ultrasound ko, tinignan namen yung baby fair sa Megamall. I heard it from my friend who also visited the grand fair. Since alam na din namen gender ni baby, makakabili na din kami ng mga gamit. I'm a first time mom, kaya hindi ko talaga alam kung ano yung mga necessary things for newborn. Ang nasa isip ko pa lang talaga nung time na yun is sterilizer tsaka feeding bottles. Sobrang daming tao sa fair, siksikan at bungguan. Medyo maingay pa. Pero ang laki nga ng mga discount in every item. Since wala pa talaga akong idea that time kung anong dapat kong bilhin, ang hinanap lang talaga namen ng mister ko ay sterilizer tsaka feeding bottles. Ayoko muna din kasi basta basta bumili. Chinecheck ko kasi sa internet kung ano yung mga best brand and reviews nila.

I choose Avent as my feeding bottle. Nabasa ko kasi sa net na most recommended siya ng mga moms aside from Dr. Browns and Tommee Tippee. Mas gusto ko sana yung Tommee Tippee dahil sa cute ang design niya kaso wala yung booth nila nung grand fair.


I bought 4 feeding bottles. 2 color yellow for P200 and 1 box of blue Avent bottles for P700. Both of them are for 0+ months old. Konti lang binili namen kasi baka magbreastfeed si baby masasayang lang. 

Tapos na kami sa feeding bottle, so next target namen ay sterilizer. Dati ang alam ko lang is pinapakuluan sa kaserola yung mga bote. That's the traditional way of sterilizing bottles. Nalaman ko lang sa mister ko na may mga electric sterilizer na pala so we find one. Kahit discounted yung mga item, ang mahal pa rin ng ibang sterilizer. Gusto ko sana ng Avent para match sa bottles kaso nasa P3,000+ ang price niya. Yung iba naman nagrerange sa P4,000-5,000. Then we see the Looney Tunes Multi-Purpose Rapid Steam and Sterilizer.

 

It's BPA-free plastic, automatic timer and shut off features, sterilize bottles in 9 minutes, 5 in 1 sterilizer because of bottle warmer, fruit juicer, food warmer and it can cook egg (yung nilaga lang ha). Astig diba? We bought it for P1,200 from it's original price of P2,000 and may free bag pa. I'm so happy with our sterilizer. Once ko pa lang siya nagamit and wala naman kaming naging problema sa functionality niya.

We also bought bottle brush for cleaning feeding bottles. Nakita lang namen siya kasama ng looney tunes sterilizer. It cost P150. Di na masama diba, ang cute pa. Yung longer brush for cleaning bottles while the shorter one is for the bottle teats.


Kahit na konti lang nabili namen, I'm still happy na may gamit na si baby :) Excited na ako para sa mga susunod pa niyang gamit. Pagiipunan ko yung next na Grand Baby Fair para mas madami na kaming mabili sa susunod.

By the way, if you're a Mom card holder and umabot ng P3,000 ang napurchase mo may free swap bag that contains free sample items. In our case, umabot lang kami ng P2,500 and akala ko bag lang talaga siya. Wala kasing naginform samen na may mga freebies pala yun. You can avail the Mom card for P100 only. Here's the swap bag items:

 
(Photo grab from www.binondomommy.com)

For every mom to be, abangan niyo po itong Baby Grand Fair. You can sign up or like the page of Baby Company para maupdate ka sa mga events nila. Happy shopping mommies. ☺


You May Also Like

0 comments