Shopping Galore

by - 7:30:00 PM


April 18, 2015

Ngayon lang namin naischedule ang aming mga sarili para magshopping ng mga gamit ni baby. At last! Madami pa kasi talaga akong ginawang research para macheck ko kung ano ba yung necessary for newborn and ano yung optional lang. Finally nakapagdecide na din ako ng mga additional things para kay baby at nagkaroon na din kami ng budget. First we went to Warehouse Sale at Megatrade 1 Hall. Up to 50% ang sale and we keep on bugging ourselves that we need to buy a cooler and refrigerator. We have refrigerator sa inuupahan namen kaso hindi siya ganun kalamig kaya mabilis mapanis ang mga pagkaen. We're thinking na sayang yung breastmilk na maiistore ko kung mapapanis lang. Nagcanvass kami ng cooler sa Hypermarket at Puregold before and they cost P4,500-P6,000. Yun na pinakamura. So we take a look baka makasave kami and we did. Cooler lang nakita namen, walang refrigerator na swak sa budget namen. We bought the Hanabishi HAC500 Air Cooler.

                                 



Features:

  • Air Cooler 220V/60Hz
  • 10 liter water tank capacity
  • Honeycomb filter With remote controller
  • 24 hour timer
  • 3 modesWind speed: 12 m/s
Price: P3,700
Original Price: P6,999

Dahil May ang due date ni baby, we really expect na mainit ang panahon and ayoko namang mainitan si baby kaya it's a must na makabili kami ng cooler. Hehehe :) I'm happy kasi ang laki ng natipid namen and maganda pa yung cooler. Super worth it ang pagsilip namen dito. Habang nagtitingin tingin kami, may mga nakita akong mga plastic containers and matagal ko na talagang naiisip bumili nun para maorganize ko mga gamit ni baby. I just bought 2 containers from Megabox.


The small one cost P75 while the bigger one cost P150. Not bad right? I already used them to store things for my baby. Dapat nga sana dinamihan ko pa yung container kaso di na namen kayang magbitbit pa ng marami.

Feeding bottles and other feeding utensils
Diapers, Toiletries, Grooming and Health Kit

After this we went to Baby Company, 3rd floor Department Store. Actually, yesterday we can't help ourselves to check items dahil biling bili na kame. 10 pm exactly natapos ang ultrasound ko and when we went to Baby Company, nakabili kami ng gift set ng assorted blankets at crib beddings. Dahil magsasara na, eto bumalik tuloy kami. We look for a tub first. Ang mamahal nung iba, pinakamababa na yung P2000. Ang budget ko ay nasa P1000 lang. I want a Safety First baby tub kasi most recommended siya ayon sa mga nababasa ko sa internet. I saw one sa Babyland along Shaw Blvd. kaya sabi ko pag wala dito sa mall, dun na lang sa Babyland. Luckily we found Safety First store. This cost P1,099. Nabili ko na yung brand na gusto ko sumakto pa sa budget ko.



Features:
  • SlideGuard contours keep baby steady while bathing
  • Convenient accessory holders
  • Shower hook for easy drying and storage
  • 0-2 years of age
We also bought Safety First grooming kit and health kit. The grooming kit cost P799 while health kit cost P899.


 
  • Deluxe wrapping clutch case
  • Digital thermometer with case
  • Toddler toothbrush
  • Alcohol wipes (5)
  • Nasal aspirator
  • Medicine dropper
  • Deluxe wrapping clutch case
  • Gentle Care Brush and comb
  • Emery boards (5)
  • Steady Grip nail clippers
  • Bottle dispenser

Also, we added the natural baby bath sponge and microfiber towel for baby's bath time.And lastly we bought a diaper bag. I really look for an affordable and most recommended diaper bags of moms out there and what strike me is Baby Couture Diaper Bag so I bought one. Actually, my colleague should buy me this which is gift na nila sakin, pero irereimburse ko na lang sa kanila para di na sila mahassle bumili pa. This bag cost P1,099. Di na masama diba? First ko to nakita sa Lazada and I fell in love with it. If you're interested, check this link.



Para sa clothes naman ni baby, actually di pa kame personally nakabili. May mga nagbigay, and yung parents ko bumili sila sa Divisoria. Tsaka na ako mamimili kapag sure na sure na ako. tapos alam ko na yung size niya. Sayang kasi baka mas maliit pala kay baby yung damit. Kaya naman puro white clothes muna, and advisable siya sa newborn para madaling mong maispot yung mga dumi or insects na malapit sa kaniya.


Only wash your baby's cloth gamit ang detergent na advisable sa baby para di mairitate ang skin niya. Kami ni husband we use Cycles for laundering our baby's cloth even towels, blankets and bedding.

So there you have it! We're really happy paunti unti may gamit na si baby. Expecting for more items paglabas niya. Weeeee :)

You May Also Like

0 comments