Our Makalumang Way

by - 5:34:00 AM



Taking care a newborn baby will change your life. Andun yung wala kang maayos na tulog kasi maya't maya nagigising siya. There are so many nights na ang hirap niyang patulugin. You'll hear a lot of cries. This is because nag aadjust pa siya sa surroundings niya.

I wasn't able to breastfeed my baby. This is so sad. I really wanted to breastfeed him pero ayaw niya maglatch. Hindi ko din siguro masiyadong pinush na maglatch siya sakin. Nakakataranta naman kasi talaga kapag umiiyak ang baby tapos ayaw pang dumede. So no choice, titimpla ka talaga ng gatas. But I admit na madami din talaga akong pagkukulang. The worst thing here is yung colostrum ko hindi ko napadede sa kaniya. Di ko kasi alam na dapat yung unang gatas na lumabas sa breast mo ay dapat ipadede sa baby. I used my breastpump thrice only and my baby had my breastmilk twice lang. After nun, di ko na talaga kinaya magpump kasi sobrang sakit niya.

My Pedia recommend Nan HW1. Medyo pricey pero kaya pa naman ng budget. The entire first month of my baby, most of the time mama ko ang nagaalaga. My mother will go to our house around 8-9 am. Siya din nagpapaligo kay baby kasi alam niyang careless ako and sobrang takot siya na baka mabalian si baby. Pagdating niya, nakakabawi ako ng tulog. I really consider myself as lucky that I still have my mom who help me throughout this new chapter of my life. She will take care of my baby until 6 pm. Kapag dumating na yung husband ko, she'll go home.

I should say my mother is very "makalumang panahon." I listed the following things we do everyday na I'm sure some of moms don't know.

1. We use "bigkis"

 Bigkis is the tagalog word for belly binder. Sabi ng mama ko, kelangan daw ng bigkis para di butod ang tiyan. Butod means hindi gaanong malaki or para maging proportion sa katawan yung tiyan. May mga babies kasi na ang laki ng tiyan. Sabi naman ng tita ko, pang pasexy daw yung bigkis. She even give her children as an example na di ko namang maikakailang sexy nga sila hanggang ngayon. The other reason is para di masagi yung umbilical cord ng mga newborn babies. I think it's effective kasi maganda nga yung pusod ng baby ko.



2. We apply Aceite Manzanilla every 5 pm

I know Pedia will prohibit you to apply any form of oil like baby oil, manzanilla, al champorado etc. Kaya nung sinabi ng mama ko na lagyan si baby ng manzanilla, nagtaka ako. Pero syempre mas tiwala ako sa mama ko kesa sa Pedia ko kaya sumunod na lang ako. This ointment sabi nila ay para sa "kabag." Uso daw kasi ang kabag sa baby kapag pagabi na and para di siya kabagan, nilalagyan namen siya neto. Actually it really works. One time, umalis ng maaga si mama and binilinan akong lagyan ko daw ng manzanilla. Eh minsan pasaway talaga ako, so di ko nilagyan. Pagdating ng 8 pm iyak na ng iyak si baby kaya tinawagan ko si mama. Syempre to the rush ang parents ko. Nilagyan nila ng manzanilla si baby and after 10 minutes, umutot siya ng madami. After that he stopped crying. Amazing diba? Simula nun di na kami pumalya lagyan siya ng manzanilla kesa naman kabagan siya ulet. Iaaapply mo lang siya sa abdominal part at sa may pigi or bandang likuran ng bewang. Mabibili to in any Mercury drug stores.



3. We use oregano to ease cold and cough


Everytime na ibabyahe namen ng malayo si baby, nagkakasipon siya and sometimes may ubo pang kasama. I don't know why bakit ganun, pero hindi talaga ganun kalakas ang resistensya kahit na he uses Ceelin drops. Kaya naman si mama, nagstart magtanim ng oregano para kung dapuan ulet ng sipon at ubo may magagamit kami. Mas maganda siya kesa sa ibang mga gamot kasi herbal siya and walang halong chemical. Once a day lang ang patak namen sa kaniya ng dinikdik na oregano. After 1-2 days nawawala na talaga yung sipon at ubo niya. So masasabi kong effective siya. Buti na lang never pang nilagnat si baby kahit nadadapuan siya ng mga gantong uri ng virus. At hindi siya nagtatantrums or iyak ng iyak. Parang normal pa din, palangiti at masayahin pa din siya.

Naibahagi ko lang mga practices na alam ko very unusual sa iba. No matter what, it really depends on you kung san ka magbabase ng pag-aalaga sa baby mo. This post is for additional knowledge lang naman.


  If you like what you just read please click to send a quick vote for me on Top Mommy Blogs- The best mommy blog directory featuring top mom bloggers

You May Also Like

0 comments