Staycation At Canyon Woods Residential

by - 6:56:00 PM


It's been a long time since we had a family vacation so this really excites me. Actually, that day, I don't have any idea where are we going, basta sabi lang ng parents ko sa Tagaytay. My Tita and Tito are celebrating their 26th wedding anniversary. Sinabay na din ang celebration ng lahat ng August celebrants. I guess, ganon naman tayong mga Pinoy diba, pinagsasabay sabay na naten lahat ng occassion para makatipid.


May bagyo ng mga panahon na yan, pero di pa din kame nagpatinag na umalis. It was a 2 hour drive from Manila at medyo mahirap bumyahe dahil paakyat ng bundok etong Canyon Woods. But as you can see, it's worth it. Tanaw na tanaw namen ang Taal lake.


 We arrived there at noon and it's a good thing my mother cooked some lunch kasi malayo ang palengke from this place. Pinakamalapit na palengke ay sa may Sky Ranch. So my tips to all parents who are travelling with their family, make sure to pack meals in case na mastuck sa traffic or like us malayo ang market. Nakakagutom pati bumyahe.


Nakakamesmerize ang mga bahay sa Canyon Woods. They all have different structures and ang lawak ng residential club. Layo layo lahat ng bahay. You'll think na kayo kayo lang andun sa lugar na yun. Anyway, it's perfect for large numbers of family to play outdoor games. Pwede din siyang pang team building.


The house is really big for us. Kumpleto din sa gamit especially the kitchen utensils.


There are three rooms upstair, 4 beds, and I guess 8 foam mattress so kahit 50 person kayang iaccommodate ng house na ito. 2 bathrooms upstair and 1 bathroom downstair kaya for sure walang mag-aagawan sa pagligo or pag gamit ng banyo. There's also one room beside the kitchen. 




There's no aircon kasi di na kailangan. The temperature of the place is cool enough. Mapresko, malamig at masarap ang simoy ng hangin. This is what we all urban people miss. Life outside the busy and polluted city.


While waiting sa mga namalengke, me, husband and Prince stroll around the area. Napansin ko lang na madaming pataas at pababa sa lugar na to kaya medyo mahirap maglibot libot.


Some father and son bonding moments.


That time, medyo dumidilim na ang ulap and may mga konting patak ng ulan kaya bumalik na kami sa bahay.


And after a few hours, dinner is ready! Kahit ano pang nakahain sa lamesa sasarap basta sama sama kumaen ang pamilya. We really enjoyed this staycation, yun nga lang nagexpect ako na we will tour around Tagaytay. But due to bad weather, we stayed inside the house. I'm not sure how much we rent this house, kasi nalibre lang kame, but I heard it's P4,500 for 1 day and 1 night.


So that's it, I'll end this post with our #fambam photo. I hope you enjoyed your weekend like we did. Thanks for dropping by!

You May Also Like

0 comments