Quick Dinner at The Yard Underground Pasig

by - 10:18:00 PM


I'll write a short review about our dinner at The Yard Underground Pasig. From my previous post, my family spent a night at Privato Hotel which is 300 meters away sa The Yard ayon kay google map.

Nagdinner kami as early as 5 pm because we expected na dadami yung mga tao pagdating ng mga 6 or 7 pm. At di nga kami nagkamali. So pumuwesto agad kami dun sa di gaanong mainit at may fan.

HALAL KABAB


Una kameng umorder sa Halal Kabab dahil dun na kami nakapuwesto at nabentahan yung asawa ko ng bantay nila doon. We choose Chicken Biryani with Basmati Rice which is good for 2 person. It's a Middle Eastern spiced baked basmati rice served with chicken saffron and shirazi salad topping. Masarap yung chicken and yung mga toppings medyo though nakakaumay lang yung basmati rice. Actually hindi namen siya naubos.

Rating: 7/10
Price: ₱249.00

THE GOOD TAPA


Dahil hindi kami gutom kaya habang naghihintay ng iba nameng order, umorder din kami sa The Good Tapa. Katabi lang siya ng Halal Kabab kaya sinubukan na din namen.

Photo courtesy of Zomato
So dun lang kami sa Regular hunger level dahil nakaorder na kami sa Halal. We ordered beef original tapa with sunny side up. For me it tastes like a regular tapa and nothing special. Pwede na at masarap naman. Akala mo konti lang siya pero nakakabusog pala. Actually, naubos namen siya ni husband.

Rating: 8.5/10

THE LOST BREAD


Kahilera lang siya ng The Good Tapa at Halal Kabab. So this is perfect, inumin at pang dessert na din. Sobrang nagustuhan siya ng baby ko. We ordered Swissed Missed (kamlua, cocoa and choco wafer) and Cookie Jar (choco chip cookies, brown sugar cinnamon). Sa menu nila makikita mo na kung anong itsura ng milkshake kaso ang hirap talaga mamili kaya sabi ko yung bestseller na lang nila. May kamahalan nga lang ang mga ito pero kung mahilig ka sa matamis magugustuhan mo ito. One thing I like about their milkshake is hindi siya messy. I tried other milkshakes before at nakakainis kapag maya't maya may tumutulo.

Rating: 9/10
Price: Swissed Missed  ₱180.00 
           Cookie Jar ₱260.00

So that's it! It may not be a fancy restaurant to celebrate our 5th year anniversary but the good thing is we are happy and satisfied with our food. The Yard Underground Pasig is located at Oranbo Pasig City


You May Also Like

0 comments