Quick Tour To Zoori

10:49:00 PM


After our tour from Paradizoo, we went straight to Zoori. Kung gagamit ka ng waze much better use Residence Inn para mas madali. Anyway, sabi sakin nung staff sa Paradizoo malapit lang daw siya pero actually di siya ganun kalapit. Siguro mga 20 minutes na byahe din which I expect na 5 minutes lang.

Pagdating namen, nagtingin kami ng mga souvenirs. Ang daming tindahan sa tapat kaya ikaw na rin ang magsasawa mamili. We bought t-shirts, I bought cap and other stuff for my son. Nagpabili pa siya ng maliit na gitara. Going back, ang daming tao nung nagpunta kami dahil may mga nakasabay kaming nagfifield trip.

(c) thebandwagonchic
Pagdating sa entrance, they asked our tickets and offered treats for animals. It's ₱20.00/pack so I purchased it kasi sabi ni kuya walang nagbebenta sa loob.


The first section you can visit is Serpentarium where you can view different species of reptiles small and large like snakes, lizards, iguanas, turtles, and other cold-blooded creatures.











Sorry hindi magaganda ang kuha ko. Anyway, so eto yung mga makikita niyo sa loob ng Serpentarium. After that, their next attraction is Eagles Ridge and Aviary where you can have close encounter with different bird species.



Actually hindi ako nakapagpicture sa Eagle Ridge kasi blockbuster ang pila ng mga bata kahit matatanda. Since nakita na namen yun sa Avilon Zoo at sa marami pang zoo na napuntahan namen, pumunta na lang kami sa next attraction.


Eto na talaga yung pinunta namen, wild animals sa Zoo Ground. Have a closer look with different farm and wild animals from lions, tigers, monkeys , camels, goats and miniature horses.











Parang sa lahat ng zoo na napuntahan ko laging tulog ang mga tigers at lion. Maliban na lang sa Zoobic Safari. It's because tigers spend more time napping specifically, 16 to 20 hours a day. So halos whole day talaga sila natutulog, same with lions.

Paikot lang yung Zoo Ground at medyo masikip gumalaw kasi ang daming bata na kasabay namen. Overlooking siya ng Taal lake. Meron din silang Zipline for ₱150.00/head.

(c) Zoomanity

Overall nagenjoy naman si bagets kasi nakita niya yung mga monkeys and tigers na gusto niyang makita. But since we visited a lot of animal parks like Manila Ocean Park, Zoobic Safari, and Avilon Zoo, walang bago or exciting dito sa Zoori. But still, it's one of an attraction you can visit in Tagaytay and it's just a few kilometers away from Manila. Magandang bonding na din ng family at kids.

Other Optional Amenities are:

Zip Line : ₱150.00/head
5D Simulation : ₱99 per person
Animal Food Basket : ₱20
Bird Thrill Feeding : ₱10
Horse Back Riding : ₱50
Zing Ride for kids: ₱50 per pax
Bike Ride : ₱70 (30 MINS) ; Side Car: ₱100 (30 MINS)
Photo with the Tiger: 1-2 person ₱240 (4R picture size) ; 3-4 persons ₱390 (6R picture size)

Tips:

• If you're planning to go, I suggest you check Metrodeal for promotions. I found one which is still available, click here.
• I suggest visit Zoori around 4 pm -5 pm para di gaanong mainit at diretso na kayo sa 4 Faces of Magic and Million Litez which will start at 6 pm.
• Bring your own bottle of water and wear comfortable clothes.


Zoori (Zoo at Residence Inn)
65 Barrio Neogan, Tagaytay City
8:00 am - 5pm ; Open daily from Monday-Sunday
₱249/ adult
₱199 / child 3ft-4ft
Free of Charge 3 ft below


YOU MAY ALSO LIKE:




You Might Also Like

2 comments

  1. Hi Sis! Would the place be enjoyable for a 2 year old boy?
    Hehehe thinking kasi igala nalang namin sya dyan sa birthday nya.

    Thanks!

    Also, what if commute lang kami, san po malapit na access ng food? Also can we go outside the park then go back na lang? Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi MC's mom. Sorry late reply. Yes it will still be enjoyable for a 2 year old boy pero medyo maliit lang yung place. I recommend Avilon Zoon sa Rodriguez Montalban if you prefer mas madaming animals. Pero Zoori will still be a good choice. May mga kainan po inside the Zoori. Even Samgyupsal meron po sila so don't worry about the food. Pag lumabas po ng area, hindi na po pwedeng bumalik unless within the area lang po kayo na part pa rin ng Zoori like horse riding. About commuting, I'm actually not sure pero pwede po kayo magtanong tanong, ang landmark po nila ay Residence Inn. Thanks for dropping by po sa blog.

      Delete

About Me

Typical mom who loves to document special moments as a mom. Sharing my experiences for first time moms like me to educate and help others mommies and mom-to-be.

#mommyladyblogs