Last Holy week, me and my family planned to spend our vacation at Pangasinan. My father was born in that province and we will visit our folks and relatives there. My father was from Tayug, Natividad where you can see a lot of sunflowers. Since it's a very long vacation, we decided to go to the beach. I'm a beach lover, and I always dream of having a beach house. Also, my son has been requesting it for a month since we went to Tagaytay for my husband's birthday celebration, so why not?
Tambobong Beach |
Umalis kami ng 4 am, nakarating kami lagpas 4 pm. Grabe, akala namen wala ng katapusan yung binabyahe namen. Pagdating namen doon, siyempre naghanap muna kami ng lugar na mapagtutuluyan. Natakot pa ako dahil halos lahat ng resort puno na. Cottages na lang ang available. Hindi naman kami pwede matulog sa cottage dahil may kasama kaming bata. Muntik na kaming mawalan ng pag-asa, ng may natanungan akong lalaki kung may alam siyang bakanteng kwarto na pwedeng tuluyan. Sinama niya kami sa bahay ng tita niya, si Aling Jenny at asawa niyang si Manong Charles. Pinatuloy nila kami sa bahay nila at pinayagang umupa ng kwarto. Take note, bahay talaga nila yun but since dalawa lang silang mag-asawa dun kaya pumapayag silang magpaupa ng mga dayo.
Sorry wala akong picture ng place. Dahil padilim na din naman nung dumating kami dun. Nagrent kami ng cottage. Nagluto, kumaen tapos nagswimming saglit. Actually, nag-iba na nga itsura ng Tambobong compare sa mga pics na nakikita ko online. The sand is not that white. Malinis naman yung tubig pero may times na may mga lumulutang na plastik. Yung mga bata may mga napupulot na basag na bote ng alak. But still, Prince enjoyed it. Pagdating namen sa Tambobong, halos ayaw na niyang kumain at gusto ng maligo. After the quick swim, unfortunately naabutan kami ng brown-out sa lugar. Good thing merong kubo sa labas ng bahay, dun kami natulog dahil mas presko yung hangin. In fairness, summer nun pero lamig na lamig kami nung gabing yun.
Sunrise at Tambobong Beach |
Literal na #Wokeuplikethis mga itsura namen. Thumbs up dahil kumpleto sila ng life vest which is really important for me. Siyempre security and safety is more important. Kaya wag kayong papayag mga mommies and daddies na walang life vest. Actually, pinagbabawal yun. Going back. We traveled less than an hour to Colibra Island.
Crocodile Island |
Pagdating namen, nagbayad muna kami ng ₱200 for Environmental Fee at Entrance Fee. Lumalabas na ₱50/head hindi kasama ang bata. Sobrang mura na diba? I'll discuss yung mga expenses namen later. Isla Vilda Resort and tanging resort na nasa Colibra Island. Meron silang mga cottages na nagre-range to ₱300-₱500. Hindi naman kamahalan.
Excited na yung anak ko maligo ang hirap pakiusapan na magpose.
Ayan, kitang kita na ang puti ng buhangin, kahit mga bato maputi. Yung mama ko, wala siyang ibang ginawa dito sa Colibra Island kundi manguha ng mga bato.
Warm up lang daw muna. Sobrang lamig pa kasi ng hangin tapos mas malamig pa yung tubig.
At lumusong na ang anak ko sa tubig. Sobrang enjoy na enjoy siya. Actually, kahit hanggang ilong na niya yung tubig ayaw niyang magpahawak or magpaalalay. Aside from sa sobrang linis ng tubig, hindi siya ganun kasakit sa mata pag dumampi. Yung sa Tambobong Beach kasi parang mga 20 seconds muna akong hindi makakadilat dahil ang sakit pag aahon ka sa tubig. Pero dito, hindi. Kahit si Prince, naiinda niya.
Isa pang nagustuhan ko dito sa Colibra, wala kang matatapakang seaweeds. Sa Tambobong madaming buhay na seaweeds. Don't get me wrong, I know mahalaga ang mga seaweeds sa dagat, pero diba nakakaconcious kapag may natatapakan ka. May mga seaweeds din naman dito pero sa malayong part na, yung di na maabot ng mga paa mo. From all the beaches we've been, dito kami super satisified.
Yung buhangin naman niya, sa shoreline lang powdery sand pero sa tubig mabato. Pero hindi siya mabato na masakit sa paa. Parang nakakamassage pa nga ng paa yung mga bato sa tubig.
Nung mga bandang 9 am, ayan dumadagsa na ang mga tao. So we tried to explore the place habang madami pang oras.
Sabi ni Kuyang naniningil, meron daw parang jacuzzi sa may kabilang part ng isla. Kaya naman sinubukan nameng puntahan. Kaso yung dadaanan mo medyo challenging. Siyempre may kasama kaming bata at medyo tumitirik na yung araw, nasaglit lang namen ang kabilang side ng isla.
By 11 am, medyo madami ng tao. Hindi naman overcrowded, pero ang dami na ding bangkang nakapaligid. Sinulit namen yung halos 5 hours na pagbabad sa tubig. All of us really enjoyed. Sana lang mas madami kami para mas masaya sana. Ang babait din ng mga nakatira sa Tambobong, Halos lahat ng kelangan namen naiprovide nila at parang kamag-anak ang turing nila samen. Kahit magiwan kami ng gamit, walang kumukuha. Sana makabalik kami ulit sa paraisong lugar na ito.
Expenses:
Cottage at Tambobong - ₱700
Kubo House - ₱1,500
Boat Rental Fee- ₱1,100 (good for 6 person)
Ecological Fee - ₱25/head
Entrance Fee at Colibra Island - ₱25/head
Tambobong Beach don't have entrance fee
Gas & Toll gates - ₱2,000
Food - ₱1,500
Gas & Toll gates - ₱2,000
Food - ₱1,500
Tips & Reminder:
🏖️Buy all of your food from the market because there are limited stores around the beach. Also there are no food stall or restaurant to dine in.
🏖️Always bring water, sunblock, hat, and materials to keep your skin harm from the heat of the sun.
🏖️Arrange a boat ride as early as possible. Our boatman says it's harder to go back in the afternoon because of strong waves.
🏖️You can pitch a tent and stay overnight at Colibra Island though the local we talked there will not prefer it because you cannot ask for help if anything happens.
🏖️Weak network signals for all carriers.
🏖️Just have fun and live as a local people. Bawal yung mga sobrang sosyal sa lugar na to.
Overall we really enjoyed it. One of the memorable place we had. We may have challenges getting to this place but those long hours of trip and tired body are really worth it. Maybe we'll come back here, but not on special holidays para mas damang dama namen yung isla. Hope you liked my review.
0 Comments