Dreamland Paradise Resort Travel Blog Review


Today I'm gonna blog about our travel experience at Dreamland Paradise Resort in Pagkilatan Batangas. We traveled all the way from Mandaluyong to this beach resort for 4 hours with side-trips and lunch at Jollibee. We bought our food at SM Hypermarket which you can see along the way.


At 2:00 PM we arrived at the resort. Pagdating namen, bukas ang gate pero parang walang tao. Kaya hinanap pa namen yung caretaker. Nagulat pa siya kasi di daw niya alam na may reservation. 2 days before our trip, nagconfirm pa ako sa number ng may-ari at sa facebook about our reservation. Sabi confirm daw ang reservation. Nung pag-alis namen nagtext din ako na we are on our way pero walang reply. So pagdating namen di pa nakaayos yung mga room, so nag-antay pa kami.


They have this balcony with table and chairs plus the surreal view of the sea. Nirent namen etong villa for ₱4,000 good for 6-8 persons. It includes 2 Double Beds and 1 King Bed or 3 Double Beds, Common Bathroom, Air-conditioned rooms and Veranda. Unfortunately, the second room AC is not working. Good thing we are only a group of 6 people.





They let us use the kitchen with additional fee of ₱300.00 and grill for free.



Going down to the beach, you have to take the stairs. Mga 50 steps din siguro yung tatahakin bago mo marating yung beach. Pagdating sa beach mabato siya kaya ingat ingat lang.










We went here mga month ng June at medyo tag-ulan na kaya bihirang sumilip si haring araw. Another thing is nagswimming kame neto mga hapon na para di ganun kainit talaga. So far malinis naman yung dagat sa parteng ito. Mabato nga lang talaga kaya may time na sobrang sakit niya sa paa at kung saan saan kami tumatama.

The next day we went back to the beach early morning para mas madami kaming time at mas maenjoy namen pero sa umaga pala ang malakas ang alon. Also, pagdating namen dun medyo may mga basura na sa gilid gilid ng dagat kaya nagpunta kami sa other side of the beach kahit sobrang mabato.

Medyo di nga lang namen nagustuhan kasi sobrang kati na niya at may mga nangangagat. Umahon na lang kami kasi palakas na ng palakas yung alon at baka maanod kami at mahampas sa mga malalaking bato.

What I like here at Dreamland Paradise Resort...

🏖️ Location. It's 3-4 hours drive from Manila going to this place. Hindi mahirap hanapin, can easily find thru waze and google map.
🏖️ The resort itself is spacious. Malawak at madaming pwedeng tambayan sa resort. Good for picture taking with families, love ones and barkada. We had a very private and quite moments in the resort which I like kasi we are there to relax.
🏖️ Price. Affordable siya compare sa ibang mga resort.
🏖️ Beach has clear water and di masakit sa mata yung tubig.

What I don't like at Dreamland Paradise Resort...

🏖️ No communication with the caretaker. Pagdating namen doon, di alam ng caretaker na we already had our reservation. Paano kung may biglang nagwalk in at nagrent doon, then dumating kami. So paano na diba?
🏖️ Rooms. Though mura siya and affordable pero we still expect something worth it ng money namen. We have air-conditioned rooms. The 1st room sira yung AC and sira yung sink kaya they let us stay sa 2nd room which is bayad namen yung 2 rooms na yun. Sa 2nd room naman, matagal lumamig yung AC. Rooms don't have keys din so kelangan may naiiwan samen para magbantay ng mga gamit.
🏖️ Sa beach naman, it's not kid-friendly so for parents who are planning to bring their children, I will not recommend it. Masiyado talaga siyang mabato at medyo mahirap yung daan. I recommend using aqua shoes if you still want to give it a try. Yung shoreline ay puro bato din walang sand kaya medyo naheart broken din ang anak ko kasi gusto niya magbuild ng castle.
🏖️ Nung nagswimming kami ng umaga, makati na yung beach kasi may mga nangangagat. I think they are called beach bugs. May mga tambak ng basurang nagpapalutang lutang din nung time na yun.
🏖️ Okay na sana yung veranda, super ganda ng view while enjoying our meals kaso nung andun na yung food sa table, di namen maenjoy dahil sa dami ng langaw.

Nakapagenjoy pa rin naman kami. Pero kung tatanungin mo ako kung marerecommend ko ba siya or babalik ako, hindi na. I think this place is good for divers because I read there are good diving spots here. I'm not sure lang kung sinong pwedeng macontact for diving and snorkeling lesson.

I hoped you like my review and hopefully mas maging maganda pa yung service ng resort kasi sayang naman yung place. If you still want to give it a try, you may contact them thru their facebook page or you can text this number 09175143176 and look for Ms. Jie. For reservation, they will need 50% deposit from the total amount of accommodation. Thanks for dropping by!


Disclaimer: Some of the photos were grabbed from Google Images and credit to its owner.

2 Comments

  1. Howdy! Someone in my Facebook group shared this website with us so I came to look it over.
    I'm definitely loving the information. I'm bookmarking
    and will be tweeting this to my followers! Exceptional blog and
    terrific style and design.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you so much for your kind words and dropping by!

      Delete