Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino


As part of our #Campstartjourney, we participated in celebrating Buwan ng Wika before the month of August ends. Buong buwan kaming naghanda para sa munting programa. Nagdala din kami ng mga Pinoy delicacies o kakanin at sabay sabay pinagsaluhan.



My son is wearing the ever famous ¨Barong Tagalog¨, brown fedora hat, white shirt, black pants and black leather shoes. Pinakamadalas isuot tuwing Buwan ng Wika ay yung katipunero at filipiniana.


Pagkatapos ng group photo, nagsimula na ang programa sa pamamagitan ng sayaw. Unang tugtog ay ¨Ang Pipit¨ na paboritong awitin ngayon ng anak ko. Lagi niyang pinapatugtog sa youtube. Pangalawang tugtog ay ¨Kung ikaw ay masaya¨ at panghuli ang ¨Paa tuhod balikat ulo.¨ Nakakatuwang pagmasdan ng mga bata.


Pagkatapos ng napakacute na performance, sinimulan na ang larong pinoy. Nakakamiss yung mga laro nung kabataan naten.


Nang mapagod sa larong pinoy, nagutom na ang mga bagets at nagsimula ng kumaen ng mga kakanin na dala nila. Ang plano ko talagang dalhin ay pichi pichi kasi paborito ko yun tsaka mura lang, kaso narinig ko marami ng magdadala nun kaya nagisip ako ng iba pa. Umorder ako ng Sapin Sapin from Lucas Premium Sapin- Sapin at infairness ang sarap niya. First time ko lang makatikim neto at for sure oorder ulit ako. Kung interested kayo, check niyo sila sa facebook. I ordered through Grab Food for 259.00.


Pinakahuling aktibidad sa programa ay ¨storytelling¨ kung saan nagbasa ng maikling kuwento ang kanilang guro. Ang pamagat ng kwento ay ¨Ang Walong Baso Ni Kuya Paquito.¨


Ito ang pinakaunang aktibidad sa paaralan na nasalihan ni Prince at inaasahan ko pa ang mga susunod na mga kaganapan sa kaniyang eskuwelahan.

0 Comments