#Princediaries: Kidzania Funtastic at 4


Last time we went here in KidZania, Prince had a lot of fun and I promised him we will go back. This August, Kidzania celebrated their 4th year anniversary and a lot of treats for kids happened for the whole month. Di na ako nagpahuli sa promo at baka next year na maulit tong bonggang discount sa tickets. Ang bongga nung discount na free tickets for 4 years old with at least 1 paying adult. At yung ticket ng adult ay may 14% discount pa.

Wala namang special events during our time of visit pero sinulit na namen yung mga establishments na sana napuntahan namen last time. This time, nanibago ako kasi KidZos na talaga ang binigay at hindi na check. Nung una nameng punta, may binibigay na check then ipapalit ng Kidzos (Kidzanian money). Meron na ding ATM card na kasama at inadvise ang mga kids na ideposit yung Kidzos.



EGG SANDWICH MAKING WITH LADY'S CHOICE

After we deposit the money, Prince went straight to Fire Station. Super love niya talaga maging fire fighter. Kaso ang haba na ng pila at inadvise kame na magcheck muna ng ibang establishment so I decided na pumunta sa Goldilocks.

Pagdating namen sarado kaya sinubukan muna namen yung kabilang establishment which is Lady's Choice. Good thing walang pila at 5 mins na lang magstart na. Our activity is Egg Sandwich making at nagulat ako nung pinayagan nilang pumasok ang guardians. Yun nga lang bawal magtake ng pictures sa loob.




It's a good thing they teach kids about importance of eating balanced food. Before we start making sandwich we had a very short discussion about eating right foods. Sayang lang di ko napicturan yung sandwich but they actually taste good. Super cute pa ng piggy bun. I will recommend na matry niyo to if you visit Kidzania.

PUTTING OUT FIRE AS FIRE FIGHTER
Siguro masasabi kong ito talaga purpose bakit bumabalik balik kami sa KidZania. Sobrang gusto gusto niya maging fire fighter. Sobrang enjoy si Prince pati yung kasama nameng bagets. Eto din ang pinakamahabang pila sa lahat ng establishment.

 DECORATING CUPCAKE AT GOLDILOCKS



Enjoy din si Prince at ang kasama nameng bagets sa pagdecorate ng cupcake. More on putting some icing, topper and sprinkler. Tuwang tuwa si Prince dahil may pasalubong na daw siya sa Papa niya pero siya din naman umubos paguwi namen.



MARINE CONSERVATIONIST BY CENTURY TUNA



Of all the establishment, this is what I enjoyed the most. We are not allowed to take photos but in this area, you'll feel like you are inside a submarine. The first activity includes watching a short clip and checking the items on the ocean that can cause damage to our corals.


Tuwang tuwa si Prince nung makita niya sa aquarium ang real life Nemo at Dory. We also learned the types of corals and starfish which we are able to touch.

POLICE PATROL


This is one of Prince's dream job and when we went there last time it's closed so this second time I made sure he'll participate here. Though di gaanong naenjoy ni Prince, kasi more on roaming around the area lang. Sana they tried to catch bad guys.


DELIVERY GUY THROUGH LBC


This is the last shift we participated. It's a good thing may kasama si Prince na age appropriate to follow instructions and read map. My son actually enjoyed it kasi nagtutulak siya ng cart then they pick up parcel or delivery. So they will need to go to 3 different establishments to pick up the box and return to the main area.


We started from 11 AM - 5 PM at masasabi kong sobrang nakakapagod pero sulit na sulit naman. For sure hanggang maging teenager siya babalik balik kami dito sa KidZania. This is a unique role play na may kasamang responsibility, awareness at learnings na magagamit nila outside/real world.

0 Comments